MANILA, Philippines – Posibleng matanggalan si undefeated champion Floyd Mayweather, Jr ng welterweight title ng World Boxing Organization (WBO).
Ito ay dahil sa kabiguan niyang ipaalam kay WBO president Francisco Valcarcel ang plano niya sa korona matapos talunin si Manny Pacquiao sa kanilang unification fight noong Mayo 2.
Nagbigay ang WBO ng deadline kay Mayweather ng hanggang Hunyo 1 kung ano ang gusto nitong gawin sa titulo.
Inihayag kamakalawa ng WBO na ang laban nina dating champion Timothy “Desert Storm” Bradley at Jessie Vargas sa Hunyo 27 sa StubHub Center sa Carson, California ay para sa “vacant WBO welterweight title.”
Ito ay labis na ikinadismaya ng 38-anyos na si Mayweather.
Matapos ang panalo kay Pacquiao ay sinabi ni Mayweather na isusuko niya ang lahat ng suot niyang world titles.